50
martin-andanar-
Oct 15, 2017 @ 11:31

Klase, pasok sa gobyerno suspendido sa Lunes – Malacañang

Sinunspinde ng Malacañang ang pasok ng mga estudyante sa lahat ng level, pampubliko man o pribado gayondin ang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno sa buong bansa ngayong Lunes.

Bunsod na rin ito ng ikinasang dalawang araw na transport strike na magsisimula bukas.

Ayaw ng Malacañang na mahirapan at makompromiso ang kapakanan ng milyon milyong estudyante kapag naparalisa ang biyahe ng mga pampublikong sasakyan sa buong bansa.

Para naman sa mga pribadong manggagawa, ipinauubaya na ng Malacañang sa mga employers kung papasukin o hindi ang kanilang mga empleyado.

“Please announce that classes at ALL LEVELS, BOTH PUBLIC AND PRIVATE, and GOVT WORK, NATIONWIDE, will be SUSPENDED  for tomorrow, October 16, 2017 (not including tuesday). The private sector will not be covered (but subject to discretion of employers). As to suspension of govt work, we shall issue the usual memorandum circular,” ang ipinalabas na mensahe ni Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar.

Ang transport strike ay pangungunahan ng  Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) para tutulan ang modernization program ng gobyerno sa pampublikong sasakyan dahil sa paniwalang phase-out ito ng mga lumang sasakyan at oobligahin ang kanilang sektor na bumili ng mga bago at mas mahal na sasakyan.

Ang transport strike ay susuportahan din ng iba’t ibang militanteng grupo mula sa sektor ng mga estudyante, manggagawa, urban groups at iba pa. (Aileen taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?