98

Oct 17, 2017 @ 12:16

Klase, pasok sa gobyerno suspendido na naman

Muling idineklara ng Malacañang na walang pasok sa sa public at private schools gayundin sa gobyerno dahil sa ikalawang araw ng transport strike nationwide.

Ito’y sa kabila nang naunang nilang pahayag na may pasok na ngayong araw ng Martes.

Ayon kay Executive Secretary Salvador Medialdea, ang suspensiyon ng klase at pasok sa gobyerno sa ikalawang araw ay bunsod ng transport holiday na pinumunan ng PISTON.

“May transport strike, ulan, bagyo at walang masakyan. Baka magkasakit mga kawani ng gobyerno at mga estudyante kung maulanan at walang masakyan,” sabi naman ni Communications Secretary Martin Andanar.

Sakop ng suspensiyon ang lahat ng pampubliko at pribadong eskuwelahan, mga local at national government offices sa ilalim ng executive department at state-run companies.

“The suspension of work in the other branches of government, as well as in constitutional commissions and other independent bodies, is left to the discretion of their respective heads,” ayon sa Memorandum Circular 29 na nilagdaan ni Medialdea noong lunes ng gabi.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?