37

Jul 16, 2021 @ 10:42
By

Klase magbubukas na sa September 13

Inanunsyo na ng Department of Education (DepEd) ang petsa ng pagsisimula ng School Year 2021-2022.

Sa pahayag ng DepEd, hinayag na sa September 13, 2021, na magbubukas ang klase, alinsunod sa nirekumenda ni DepEd Secretary Leonor Briones na aprubado ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“We thank the President for his full support to the delivery of quality basic education for the incoming school year,” ayon sa DepEd.

Inaasahan na sa mga susunod na araw ay ilabas na ang kabuuang school calendar para sa parating na academic year.

“We hope for our stakeholders’ continued cooperation and support as we prepare for another challenging yet worthwhile endeavor of educating our children amid a global health crisis,” pahayag pa ng kagawaran.

Inaasahan na manatili sa blended learning ang mga paaralan at estudyante, ito’y dahil hindi pa rin pinapayagan ang face-to-face class bunsod ng COVID-19 pandemic.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?