49

Aug 20, 2018 @ 19:02
By

Klase hindi ikakansela dahil sa pagsunog sa mga bag – DepEd

Nilinaw ni Education Sec. Leonor Briones na hindi makakansela ang mga klase sa Bicol Central Academy dahil sa insidente ng pagsunog sa mga bag ng mga estudyante.

Sinabi ni Briones na hindi tama na idamay ang mga estudyante sa kasalanan ng kanilang school administrator.

Dagdag pa nito, may graduating students na maaapektuhan ang graduation kapag nagkansela ng mga klase dahil sa insidente.

Nagpahiwatig din ang opisyal na dapat ay mag-leave na muna ang school administrator na si James Jaucian habang iniimbestigahan ang pangyayari na nabunyag dahil sa social media.

Sinabi pa nito na dapat ay magtalaga ng pansamantalang kapalit ni Jaucian base sa rekomendasyon ng DepEd Bicol Region.

Kasabay nito, tiniyak ni Briones na magiging masusi ang pagpili sa papalit kay Jaucian, na aniya ay hindi dapat binibigyan ng responsibilidad na mangalaga ng mga bata.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?