67

Sep 8, 2021 @ 11:56
By

‘KKK’ baon ng Lacson-Sotto tandem sa 2022

Makasaysayan ang Setyembre 8 para kanila Senador Panfilo Lacson at Senate President Tito Sotto dahil sa dito ay pormal nilang inanunsyo ang kandidatura sa 2022 elections.

Kasama ang pamilya, taga-suporta at mga kaibigan, naging virtual ang launching ng unang tandem na nag-anunsyo ng kandidatura sa pagkapangulo at pangalawang pangulo sa 2022.

Ani Lacson, ang tatlong ‘K’ ang kanilang baon ni Sotto sa 2022.

“Between me and Senate President Sotto are more than 80 years of honest, dedicated and competent public service,” wika ni Lacson sa kanyang talumpati.

“Mayroon kaming sapat na kakayahan, katapatan at katapangan upang pamunuan ang ating bansa at upang muling bumangon sa ating pagkakalugmok,” wika pa ni Lacson.

Pinahapyawan naman ni Lacson ang klase ng pamumuno na kaya niyang ibigay sa taumbayan.

“Ang tamang pamumuno ay dapat pangunahan ng leadership by example. No leader can succeed if he cannot practice what he preaches,” dagdag ng senador.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?