1,091

Nov 2, 2017 @ 12:51

Kitty, Honeylet nag-bonding sa Japan trip ni Duterte

Sinamantala ng mag-ina ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pamamasyal sa ilang lugar sa Tokyo habang abala ito sa kanyang mga aktibidad sa dalawang araw na working visit.

Kasama sina Honeylet Avanceña at anak na si Veronica “kitty” Duterte sa biyahe subalit dahil mahigpit ang schedule ng Pangulo ay silang mag-ina ang namasyal na lamang sa Tokyo.

Kabilang sa mga pinasyalan nina Kitty at Honeylet ay ang dinarayong theme park na Universal Studios kung saan nag-post ng mga kuhang larawan ang anak sa kanyang instagram account.

Ito ang ikalawang biyahe ng presidential daughter at ni Honeylet sa Japan, una ay noong nakalipas na taon.

Sa isang pagkakataon lang na nakitang kasama ng Pangulo ang partner na si Honeylet nang bumisita sila at nakipagkita sa Emperor at Empress ng Japan.

Sa ipinalabas na official photo at may kuha si Madam Honeylet na nakikipag-usap kay Empress Michiko habang nag-uusap naman ang Pangulo at ni Emperor Akihito sa Imperial Palace. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?