98

Mar 17, 2020 @ 17:48
By

Kitty, Honeylet, Baste, Paolo, nagpa-test din sa COVID-19

Isinalang na rin sa pagsusuri ang partner at mga anak ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa coronavirus disease 2019 test.

Sinabi ni senador Bong Go na kinunan ng swab sample si Madam Honeylet Avanceña at anak na si Veronica, gayondin sina Congressman Paolo Duterte at Davao City Vice-Mayor Sebastian Duterte.

Gayonman, hindi pa aniya naipadala sa Manila ang swab samples para masuri sa Research Institute for Topical Medicine o RITM.

“Swab pa lang. Also Baste and Paolo at hindi pa naipadala sa Manila,” ang maiksing text ni senador Go.

Nauna rito inihayag ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na itinuturing ngayong person under investigation si Vice-Mayor Baste matapos makaranas ng lagnat, ubo, sipon at pananakit umano ng lalamunan.

Nauna nang sumailalim sa COVID-19 test ang Pangulo at ni Go kung saan ang resulta ay negatibo

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?