63

Jul 19, 2018 @ 10:51
By

Kitchen staff arestado sa robbery

Inaresto ng Manila Police District Station 10 (PS-10) Intelligence Unit ang isang kitchen staff na wanted sa kasong robbery kamakalawa ng hapon sa Brgy. Buhay na Tubig, Pandacan, Maynila.

Kinilala ni P/Supt. Pidencio Saballo Jr., station commander ng MPD PS 10, ang akusado na si Mark Joven Niembra, 23, at pang-pito sa Most Wanted Person sa Pandacan.

Dakong alas-2:55 ng hapon nang mamataan ng mga awtoridad si Niembra sa nabanggit na lugar.

Si Niembra ay may kasong robbery sa sala ni Judge Noli Diaz, RTC-39 Manila.

Nabatid na matapos na makapagpiyansa si Niembra ay hindi na ito nagpakita pa sa korte kaya ito inaresto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?