45
jewelry2
By

Kita sa smuggled na alahas, ginagamit ng sindikato para sa terorismo – PACC

Sharing is caring!

Posible umanong ginagamit bilang pondo sa paglulunsad ng terrorismo ang kita sa alahas na naipupuslit ng mga sindikato sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ito ay batay umano sa impormasyong natanggap ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC).

Ayon kay PACC Commissioner Greco Belgica, maaring ang jewelry smuggling ay bahagi ng fund raising activity ng ilang mga grupong sangkot sa terrorismo.

Ito umano ay nadiskubre sa gitna ng imbestigasyon sa operasyon ng isang Mimbalawang Bangsa-An Abdullah at ng kanyang asawa na umano’y sangkot sa jewelry smuggling at kung saan nakakaladkad si dating Justice Assistant Secretary Moslemen Macarambon.

Maari din umanong umabot na sa P10 billion ang halaga ng mga alahas na naipuslit ng mga sindikato sa NAIA at tinatayang kalahati ng halagang ito o P5 billion ang lugi ng gobyerno dahil sa hindi nabayarang buwis.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?