1

By

Kita ng Philracom tumaas ngayong 2017

Sharing is caring!

Lumaki ang kita ng Philippine Racing Commission nitong taong 2017 at inabot ng P1.2 bilyon ang tax na mas malaki ng 7.56 porsiyento o P88 milyong bentahe.

Ipinagpapasalamat ito ng Philracom sa kanilang mga isinagawang pagsulong at ang pagiging miyembro nito sa International Federation of Horseracing Authorities (IFHA), na ang misyon ay para sa promosyon at magandang regulasyon at mainam na pamamalakad sa industriya.

“The Philracom is very proud of this accomplishment as the commission not only arrested the dwindling horse-racing sales for the past three years, it also bettered last year’s revenues,” ani Philracom Chairman Andrew Sanchez.

Nitong nakaraang 2017, ang bentahan sa karera ay umabot ng P7.37 bilyon na mas malaki ng P159.8 milyon noong 2016. Ang tax dito ay 17 porsiyento kung kaya’t umabot nga ito sa P1.2-bilyon.

“Ang paglobo ng revenues ay dahil na rin sa pagtataas ng mga premyo at ang implementasyon ng bagong rating-based handicapping system dahil sa pagiging miyembro ng IFHA,” wika ni Sanchez.

“Ang mga aficionados ay nagkakaroon ng kumpiyansa na ang kanilang mga taya ay napapalaban nang parehas dahil na rin sa patas na paggugrupo ng mga kabayo,” sabi pa ni Sanchez.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?