59

Nov 16, 2019 @ 12:48
By

Kita ng ‘Joker’ sumampa na sa $1B

Umabot na sa $1 Billion Milestone sa Global Box Office ang comic book movie na “Joker”.

Ito ang kauna-unahang R-rated Hollywood movie na nakatuntong sa naturang milestone.

Kumita na ang movie tungkol sa playful nemesis ni Batman ng $1 billion nitong weekend sa kabila na hindi ito naipalabas sa China.

Bida rito si Joaquin Phoenix bilang isang mentally-ill loner na nakilala dahil sa kanyang karahasan.

Nakahakot ng magagandang reviews ang pelikula pero naging kontrobersiyal sa Amerika dahil sa takot na mag-encourage ito ng violence.

Napasama ang “Joker” sa biggest Hollywood movie ngayong 2019 box office sa likod ng “Avengers: Endgame” ($2.8 billion) at “The Lion King” ($1.6 billion).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?