219

By

Kissing scene nina Uge at Tony Labrusca, sigaw ng netizens

Ibinahagi ni direk Jose Javier Reyes na kasama ang kontrobersiyal na si Tony Labrusca sa ikatlong installment ng “Ang Babae Sa Septic Tank”.

Sa kanyang Instagram post noong Lunes, sinabi ng direktor na “Ang Babae Sa Septic Tank 3: The Real Untold Story of Josephine Bracken” ang magiging pamagat ng pelikula na pagbibidahan pa rin ni Eugene “Uge” Domingo.

“ANG BABAE SA SEPTIC TANK 3: The Real Untold Story of Josephine Bracken — NOW FILMING!” sabi ni direk Joey sa caption ng post.

May ilang netizens naman ang na-curios at nagtanong kung may working visa na ba ang “Glorious” actor para makasama sa pelikula.

“May working visa na sya? Di ba he entered the Philippines under tourist visa, nakakuha na ba sya working visa to allow him to work?” tanong ng isang netizen.

Sinagot siya ni direk Joey ng, “@grj781 Yes, he has acquired the work permit. Otherwise he would not be on the set.”

Kinilig naman ang netizens nang malaman ito.

May iba na humiling na bigyan ng kissing scene sina Tony at Uge.

“Yehey! Thank you.”

“Kissing scene with UGE and TONY.”

“Makaka experience ba si uge dito ng kiss ni tony.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?