3,407

Aug 2, 2021 @ 15:32
By

Kisses wagi sa ‘headshot challenge’ ng Miss Universe PH

Winner agad si Kisses Delavin sa unang challenge ng Miss Universe Philippines 2021.

Sa nilabas na resulta ng Miss U Philippines, nasungkit ng dating Pinoy Big Brother housemate ang top spot para sa headshot challenge.

Pumangalawa sa kanya ang social media influencer na si Rousanne Marie Bernos, habang nasa third naman ang ‘Asia’s Next Top Model’ winner na si Maureen Wroblewitz.

Ang naturang challenge ay dinesisyunan base sa voting sa Miss Universe Philippines app.

Sa comment section ay bumuhos ang mga supporter ni Kisses, na hindi na bago sa beauty pageant matapos koronahang Miss Teen Masbate noong 2013, matapos nito’y naging Miss Kaogma noong 2016.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?