461

Sep 15, 2021 @ 18:08
By

Kisses tiba-tiba sa wallet credit

Umaapaw ang achievement ni Kisses Delavin sa Miss Universe Philippines.

Matapos niyang dominahin ang Headshot at Video Introduction Challenge, nagpabilib naman si Kisses at tinanghal na winner sa first-ever Miss Universe Philippines Lazada Video Contest.

Sinundan siya ni Leren Mae Bautista ng Laguna at Steffi Rose Aberasturi ng Cebu.

“Because of your support, these Phenomenal Women have won big Lazada wallet credits! Watch out for the awarding of this contest during the Preliminary Competition,” pahayag ng e-commerce company sa Facebook.

Gaganapin ang preliminary competitions at coronation night mula September 21 hanggang September 25.

Ang mananalo sa kompetisyon ang magiging pambato ng Pilipinas sa Miss Universe pageant sa Israel sa December.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?