129

Jul 20, 2021 @ 9:38
By

Kisses Delavin sabak sa Miss Universe PH

Kumpirmado na ang pagsali ng dating ‘Pinoy Big Brother’ housemate na si Kisses Delavin sa Miss Universe Philippines 2021.

Kasama si Kisses sa 100 na maglalaban-laban para maging official candidate sa naturang beauty pageant.

Hindi na bago sa pageantry si Kisses, unang nanalo bilang Miss Teen Masbate noong 2013, matapos nito’y naging Miss Kaogma noong 2016.

Bukod kay Kisses, sabak din sa Miss U PH si Maureen Wroblewitz, na unang nakilala nang magwagi sa ‘Asia’s Next Top Model’.

Isa pa sa inaabangan ay si Leren Mae Bautista, na naging second runner-up sa Miss Globe 2019.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?