42

Oct 5, 2021 @ 19:05
By

Kisses Delavin hindi susuko sa korona

Nangako si Kisses Delavin na ipagpapatuloy niya ang pagsabak sa beauty pageant hanggang sa masungkit niya ang kanyang big dream – ang Miss Universe crown.

Sabi ni Kisses sa panayam sa “Unang Hirit”, na sasali uli siya sa Miss Universe Philippines pageant.

Magiging motivation daw niya ang mga positibong comment ng mga netizen.

“This is really my big dream — the Miss Universe crown. So I think that I’m in a good directions. Iki-keep in mind ko ‘yung positive comments and also ‘yung points for improvement so that when I do represent the country talagang all aspects perfect na,” sambit niya.

“I am very sure, This is my big dream so I will continue in this path. That is for sure,” dagdag niya.

Bigo mang makapasok sa Top 5 ng Miss Universe Philippines 2021, tatlong special award naman ang nahakot niya.

Nakaabante ang 22 year old actress sa Top 10 at nasungkit ang Miss Photogenic, Miss RFOX Philippines at Miss Universe Philippines Lazada.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?