662

Nov 4, 2017 @ 13:39

Kisses Delavin haters dagsa sa socmed

Dumarami ang Kisses Delavin haters. May mga Instagram account na ginawa para lang sirain talaga si Kisses.

At kaloka, dahil ang itsura niya, talent niya ang nilalait, ha! Kaya hindi na ako nagtaka na sa Instagram account niya, may mga post siya na bawal mag-comment.

Naka-off ang comment section, lalo na kapag tungkol sa pamilya niya ang ipinost niya.

Anyway, ano nga ba ang naging problema nina Kisses at Marco Gallo? Bakit tuluyang umayaw na si Kisses kay Marco?

May kinalaman nga ba ang parents ni Kisses? Totoo nga bang nabastos ni Marco ang parents
ni Kisses?

Ang daming tanong na hindi masagot. Pero sa ngayon, burado na nga sa mapa ng showbiz ang Kisses-Marco love team.

Anyway, may pa-emote si Kisses recently tungkol sa parents niya. At parang may patutsada
nga siya sa kung sino man….

“The true measure of success for me is seeing you proud of me. Di ko kayo ipagpapalit sa kahit na anong kasikatan o success sa buhay ko. Wala kayong kapalit, nag-iisa lang kayong magulang ko sa buong mundo.

“Mahal ko ang lahat ng taong mahal at nirerespeto kayo. At hindi ako magsisisi sa lahat ng desisyon kong makakabuti para sa inyo. Dahil darating ang araw lilipas din ang lahat ng ito.

Ang mundo ay panandalian lamang. Sa dulo ang matitira na lang ay ang mga naging desisyon ng isang tao sa buhay niya. At hinding-hindi ako magsisisi na piliin kayo. You are my strength.

I love you Mommy & Daddy.”

Well, sino nga kaya ang taong hindi nagmahal sa parents niya? May pinatutungkulan ba si Kisses? (DONDON SERMINO)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?