1,096

By

Kisses Delavin bagong ‘girl’ ni Sam?

Sharing is caring!

NOONG isang araw ay nag-post si PBB 2nd Lucky Teen Big Placer Kisses Delavin sa kanyang Instagram account ng video kung saan ay tinuturuan siya ni Sam Milby (na PBB first season alumnus) na magpalit ng drone.

Maraming naintriga sa pinost na video ni Kisses at ang iba, nagtatanong kung bakit sila magkasama? Kuha sa Punta Fuego beach sa Nasugbu, Batangas ang video na pinost ni Kisses.

Eh, nakatsikahan namin si Say Alonzo (PBB first season alumna) na nakasama nila sa lugar na ‘yon at ito ang nagkuwento sa amin ng tungkol sa weekend getaway nila na ‘yon.

“Actually, bakasyon namin ‘yon ng husband at son ko, pero in-invite ko na rin sina Hazel (Ara Mina, na isinama ang anak na si Amanda Gabrielle Meneses), Kisses and her family, Sam and some friends. Umalis kami noong Sunday at hanggang Tuesday kami sa Punta Fuego.

“Wala naman kasing trabaho, kaya sumama rin sila,” sey ni Say.

Parang ‘baby sister’ nina Say at Ara si Kisses, kaya madalas nilang makasama ang 18-year-old PBB alumna. Si Sam naman, kilalang malapit din kay Say.

“Just for fun lang ‘yon. Para makapag-enjoy, bonding kaming lahat. Ang saya lang. Enjoy pati si Kisses. Si Sam naman, dinala niya ‘yung drone niya, kaya tinuruan niya si Kisses na magpalipad,” dagdag pa ni Say.

According to Kisses nga, “They say in life you can become anything you want to be. Today, I became a pilot. Sobrang cool ng drone! I am so amazed! Sobrang saya ko! Thank God for such a beautiful break with these beautiful people (and my dog). @sayalonzo @therealaramina @Lizetteclaudio It’s sooo relaxing here. Thanks for teaching me Kuya HandSam @samuelmilby!”

Ay, oo nga pala, solo flight na ngayon si Kisses dahil binuwag na ang loveteam nila ni Marco Gallo.

Si Sam naman, madaling nakakasama sa mga ganoong lakad dahil break na pala sila ng model-girlfriend niya na si Mari Jasmine! (JUN LALIN)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?