586

By

Kisses bongga ang career kahit hiwalay na kay Marco

Sharing is caring!

Kahit saang social media site man kayo mag-log in, makikita n’yo sa mga feed n’yo ang mukha ni Kisses Delavin — patunay na patuloy na sumisigla ang career niya kahit pa wala siyang ka-love team (Marco Gallo) at baguhan pa lang sa showbiz.

Trending ang launch ng kanyang album sa Star Music at napanood na rin siya sa Ipaglaban Mo, Wansapanataym, at maging sa movie niya with MayWard.

Pero masusubukan ngayon ang acting skills ni Kisses sa una niyang teleserye, ang Playhouse, kung saan makakasama niya sina Zanjoe Marudo at Angelica Panganiban. Mapapanood ito sa 2018.

Ayon kay Kisses, mapapangiti ang viewers sa Playhouse at maaalala raw nila kung gaano kasaya magkaroon ng pamilya.

“Marami na kasing heavy drama at bakbakan sa TV, para itong break sa mga tao. Ibabalik ang light na panonood sa TV na parang ang happy ng feeling,” sabi niya. (DS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?