487

Nov 16, 2021 @ 18:59
By

Kiray umamin na flat-chested

Matapang na rumampa sa isang resort ang comedian-actress na si Kiray Celis suot ang isang revealing na damit.

Pumustura pa ito para sa larawan suot ang sexy crochet halter top sa kaniyang pagbabakasyon sa Pangasinan.

Inamin ng aktres habang nakikipag-asaran sa isang sikat na parody account ni Senyora Santibañez, na flat ang kaniyang dibdib ngunit habulin pa rin ng lalaki.

“Flat man sa inyong paningin, atleast habulin.. Hindi kagaya ng iba diyan, hindu matanggap na flat sila, mukha pa silang gusgusin. Hindi ko sinasabing ikaw ‘to @senyora.official,” caption ni Kiray sa kaniyang larawan sa Instagram.


Pinasalamatan din ni Kiray ang resort na pinuntahan.

“Salamat @masamireycove sa mainit na pagtanggap sa akin pag-stay sa inyo. Isa sa pinaka-magandang resort sa Pangasinan. The best!” pahayag nito.

Kamakailan lang ay uminit din ang pangalan ng aktres matapos siyang regaluhan ng mamahaling sapatos at smartphone ng kaniyang boyfriend.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?