99

Mar 19, 2020 @ 12:39

Kiray todo linis dahil sa quarantine

General cleaning ang peg ni Kiray Celis ngayong community quarantine sa binahagi niyang Instagram post.

“Ano kayang ginagawa ng artista kapag nasa bahay lang? Siguro ang sarap ng buhay nila… Eto po… ???” caption ng aktres sa kanyang post.


Makikita sa video ang paglilinis niya sa banyo na nagsimula sa inidoro at pag-scrub ng sahig.

Ibinida din ng Love You Two aktres sa video ang Spongebob themed room na punong puno ng merchandise.

Day 5 pa lamang ng enhanced community quarantine, ngunit produktibo na ang aktres sa pag gamit ng isang buwan niyang libreng araw.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?