188

Dec 25, 2018 @ 20:07
By

Kiray sasabak sa aktingan kina Jennylyn, Gabby

Mainit na tinanggap sa Kapuso network ang comedian actress na si Kiray Celis.

Nakita ang litrato mula sa GMA Artist Center. Inaasahan ngayon ng mga fan na sa Bubble Gang ang project na ibibigay sa kanya ng Kapuso dahil sa natural na pagkakomedyante ni Kiray.

Pero mayroon na raw agad umano nakahandang proyekto agad para kay Kiray kung saan makakasama niya sina Jennylyn Mercado at Gabby Concepcion. Wow, bongga ha!

Pakiramdam, anila, ng mga fan na mas mabibigyan umano ng magandang career si Kiray sa Kapuso. Na-miss raw ng mga fan ang paglabas ni Kiray sa TV lalo na’t bata pa lamang daw ay magaling na siya, multitalented pa nga raw, kayang-kaya makipag sabayan sa kahit sino.

Matatandaang sa Goin’ Bulilit nagsimula si Kiray, hangga’t makasama na siya sa ilang mga pelikula tulad ng Kimmy Dora: The temple of Kiyeme, The Super Parental Guidance at marami pang iba. Nagkaroon din siya ng mga pelikulang pinagbidahan niya tulad ng “Love is Blind” na kasama niya sina Solenn Heussaff at Derek Ramsey at “I Love You to Death” na kasama niya naman si Enchong Dee.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?