367

Jan 30, 2018 @ 22:19
By

Kiray nasagasaan ng Montero

Agaw-eksena naman talaga si Kiray Celis sa grand presscon ng My Fairy Tail Love Story dahil akala mo ay nakasuot ito ng mermaid tail ni Janella Salvador dahil paika-ika itong dumating with matching elastic bandage sa kanyang kaliwang paa.

Wala naman daw siyang planong agawin ang entablado sa mga bida, pero ang kuwento niya tungkol sa paang ‘yun ay broke the house down, ‘ika nga.

Matuk mo ‘yun, sa laki ng isang Montero SUV ay hindi niya ito napansin at nasagasaan nga ang kanyang paa. Siguro nga naman ay sa liit din niyang ‘yun, hindi siya napansin ng driver kaya, hayun, nasagi siya.

Pinatawad naman daw niya ang driver dahil sa tingin niya ay mukha naman itong walang datung, pero lesson learned raw talaga ito sa kanya, noh!

Buti na lang at masaya ang kanyang lovelife na may bago siyang dyowang 5’11” ang height! Ikaw na! Deadma na siya kay Kirst Viray, noh!

Joke nga namin sa kanya na siguro ay gusto lang niyang magpa-bebe sa matangkad niyang dyowa, kaya ginusto na rin niya ang nangyari. Echos lang!

Ikaw pa naman ang kargahin ng isang ‘guwapong kapre’, e, nagmukha kang ‘gandahing tiyanak’, so, keri na rin, devah?

Kiyeme latik lang, Kiray! Kaw kasi, noh! (Glenn Regondola)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?