35

Sep 20, 2021 @ 14:50
By

Kiray naasam na pinangarap na bangs, wapakels kung di bagay

Natupad na ni Kiray Celis ang isa sa kanyang mga pinakamalaking pangarap.

Ang magkaroon ng pak na pak na bangs.

Sa kanyang Facebook post, ibinahagi niya ang kanyang bagong look at kapansin-pansing niyang buhok na tila pang Amerikana ang estilo.

https://www.facebook.com/100044281126776/posts/418344012984966/?d=n

“Woohooooo! Ang pangarap kong bangs! Natupad narin po sa wakas!” sey niya sa caption.

“Wala napo akong pake kung bagay o hindi, ang mahalaga po.. nakamit ko na! HAHAHAHAHA!“

Napa-wow naman ang ilan sa kanyang mga fan.

Leyzal Yajeba: “Bagay na bagay kiray . Wag muna pansini. Mga mosang ingget lang sila sayo. Keep safe God bless 😘🙏”

Anita Curato: “Bagay na bagay nman syo kc cute ka mag kasing hayt lng yata tayo at sexy beautiful ka inside and out 💖💖miss kiray godbless 😘💖”

Sheila Bacatan: “u look barbie ms kiray ganda mu po.” (VA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?