35

Aug 7, 2020 @ 8:40
By

Kiray engaged na?

Road to forever na nga ba?

Tumanggap ng maraming congratulations na pagbati ang aktres na si Kiray Celis sa social media dahil sa litrato na kapwa may suot na singsing sila ng kanyang boyfriend na si Stephan Estopia.

Binandera pa ng dalawa ang parehas na gold ring na suot nila at bungad ng caption ni Kiray ay “AND YES.. KAMI PO AY..”

‘Yun pala, couple ring lang, hindi pa pala engaged. Akala ng marami ay engaged na sila pero gayunpaman ay nararamdaman naman daw ng most fans na sila na talaga ang magkakatuluyan forever. Kaya naman napapa-sana all talaga ang mga fan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?