2,117
ABANTE kiray celis kirst viray gamit
Jan 31, 2018 @ 11:04
By

Kiray Celis umaming ginamit niya ang modelong si Kirst Viray

Pagkatapos igiit ni Kiray Celis na walang namagitang gamitan sa kanila ng model turned actor na si Kirst Viray, biglang umamin na rin ang petite actress na pumabor sa kani-kanilang dalawa nang huli ang pagkaka-link nila sa isa’t-isa.

Noong una ayaw pang tanggapin ni Kiray na naggamitan silang dalawa ni Kirst para mapag-usapan sa social media kung saan nakaposte sa Instagram ang Kapamilya actress ang mga pagsasama at lambingan nila nang huli.

Naging kontrobesyal si Kiray at si Kirst dahil sa mga posting nila nang mga sweet moments nila at mga messages na inakala nang lahat na meron silang romantic relationship.

Pero sa presscon ng “My Fairy Tale Love Story”, ibinalita ni Kiray na meron na siyang 5-month relationship sa isang non-showbiz guy.

So, nalantad na wala naman talaga silang relasyon ni Kirst.

Kaya nong kinukulit namin siya tungkol sa gamitan isyu, panay ang tanggi nito at sinasabi pang hindi siya ginamit nang modelo para makilala ito at mapasok sa showbiz.

“Kung merong isang nakaka-alam kung sino si Kirst, ako yun. Alam ko, hindi ako ginamit ni Kirst.” Sey pa nang petite actress sa amin.

Pero nang sabihin ni Kiray na marami silang naging project at raket dahil sa pagkakalink sa kanila, ipinaliwanag namin sa aktres na kahit itanggi nya talagang naggamitan sila ni Kirst.

Naliwanagan yata si Kiray kaya inamin niyang sya ang mas nakalamang kay Kirst pagdating sa tsismis tungkol sa kanilang dalawa.

Mas marami raw nakuhang project si Kiray kaysa kay Kirst. At nang mag-guest sa game challenge show na “Minute To Win It” nanalo siya nang 250k pesos.

Nakapag-guest na raw siya Minute To Win pero lagi syang talo. Nong malink silang dalawa nakuha raw ni Kiray ang malaking halaga.

Isa pa, marami raw talaga ang nainggit na bakla, babae sa kanya sa paga-akalang magkasintahan sila nito.

Muntik na kaming malaglag sa upuan habang kausap namin si Kiray nang kaswal na ipinagdiinan nyang never naman raw talaga nyang nagustuhan si Kirst at alam ito ng modelo.

Ayaw raw nya talaga nya nang boyfriend na kasama sa trabaho o nasa showbiz. Kaya nga ang kasintahan ngayon ay isang non-showbiz.

Limitado na raw ang pagsasama nina Kiray at Kirst dahil ayon sa former child star gusto rin naman nyang irespeto ang relasyon nila nang boyfriend nya, kahit naiintindihan nito na linking lang naman ang namagitan sa kanila nang modelo. (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?