207

By

Kiray Celis, ‘pwetmalu’ sa beach

Sharing is caring!

Iba rin naman ang angas ng beauty ni Kiray Celis na hindi rin naman papayag na hindi ibalandra ang kanyang asset sa socmed.

Ilang beses nang nag-post si Kiray sa kanyang Instagram wall ng mga bikini shots niya. Pero lagi ay may comic comment siya sa imperfection ng kanyang pigura. Gaya na lamang ng pagkakaroon niya ng maliit na boobs.

Pero kung sa kakinisan naman ng balat at paalsahan ng puwet, puwedeng pumantay sa mga booty-licious star ang komedyana.

Isang photo nito ang pumukaw sa atensiyon ng netizen habang yakap niya ang isang batang paslit sa tabing-dagat suot niya ang isang one-piece bathing suit.

@kiraycelis, “I love you, Tete,” ang message caption ni Kiray na walang kinalaman sa kung ano ang ipinasilip niya.

Whole body profile ang pagkakuha kay Kiray na nagpalantad ng malaki at alsado niyang lower bumper.

In fairness, walang tsismis sa singit ng wetpaks ni Kiray at pantay ang kulay ng balat nito.

Sa tambok ng bumper ng petite Kapamilya star, parang pigi ng pangarerang kabayo ang kanyang puwet.

Sa huling interview namin sa komedyana, ito ang ipinagmamalaki niya, ang pagkakaroon ng matambok na behind.

Sabi nga ng isa niyang follower, “Pwetmalu talaga!”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?