781

Dec 11, 2018 @ 18:37
By

Kiray Celis naloko ng producer

Ibinunyag ni Kiray Celis ang pangloloko sa kanya ng isang producer.

Kinansela ang show nito sa Mintal, Davao dahil sa hindi umano pagtupad ng producer na isang Ronald A. Brigoli sa kanilang usapan.

Hindi umano siya binayaran nito maging ang facilitators ng naturang show.

“Silaw na silaw si ate girl sa stress sa producer ng MINTAL DAVAO show ko. Andyan po ako kagabi. Diyan pako nagstay sa MIYAKI RESORT. Nakarating po ako. Di po sila tumupad sa usapan. Sobrang bastos nila. Lalo na sa pagkakilala samin na producer na si “Ronald A. Brigoli” na si ALDONG daw. Di binayaran lahat pati nag host ng event,” ani Kiray sa post.

Sa kabila nito, nagdesisyon si Kiray na manatili at bumawi sa kanyang Davaoeño fans sa pagsali sa parada.

“Maraming salamat, MINTAL DAVAO. Pasensya na sa nangyari. Hindi man ako nakapag perform para sainyo. Pero bumawi ako at nagparade para sa inyo,” sabi pa ni Kiray.

View this post on Instagram

Maraming salamat, MINTAL DAVAO. Pasensya na sa nangyari. Hindi man ako nakapag perform para sainyo. Pero bumawi ako at nagparade para sainyo. Isang malaking lesson ang natutunan namin ni mama. At napag alaman namin na ang producer na kumuha samin na si RONALD A BRIGOLI ay hindi lang po ako ang hindi binayaran. Magmula hotel, host at sound system at mga kapwa ko performer at mga artist. Kahit mga bumili ng ticket hindi binalik. Wow! Si Lord na bahala sayo. Thank you sa lahat ng tumulong lalo na sa friends at naging pamilya namin dito sa davao. At sa mga kaibigan kong tumawag, nagtext at nagalala. Maraming salamat po at nalampasan ko itong problema na ito. Btw, salamat @jewels_inc sa outfit ko. ?

A post shared by Johanna KIRAY Celis (@kiraycelis) on

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?