330

Oct 24, 2017 @ 12:31

Kintanar, bagong PAF chief

Itinalaga na ng Malacañang ang ika-35 pinuno ng Philippine Air Force (PAF).

Sa katauhan ito ni Lt. General Galileo Gerard Kintanar Jr. dahil sa inaasahang pagreretiro sa serbisyo ni Lt. General Edgar Restor Fallorina.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Eduardo Ano, si Kintanar ay isang ‘silent worker’, magaling, strategic thinker at bihasa sa pagiging piloto.

Naniniwala rin si General Ano na maipagpapatuloy ni Kintanar ang mga magagandang programanng nasimulan ni Fallorina sa PAF.

Umupo bilang Western Command (WESCOM) commander si Kintanar nitong nakalipas lamang na Agosto, pero bago ito naging Chief of Air staff ng PAF at miyembro ng Philippine Military Academy Class 1985.

Isasagawa ngayong araw ang turnover ceremony sa Clark Airbase Pampanga. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?