3
views
cauley

Kings, nag-uwi ng panalo kontra Rockets

Sharing is caring!

Tinapos ng Sacramento Kings ang regular season ng panalo kontra Houston Rockets, 96-83.

Dahil sigurado na sa playoffs, pinagpahinga na ni coach Mike D’Antoni sina James Harden, Chris Paul, Trevor Ariza at Clint Capela.

Nakatakdang makipagtuos ang top-seeded Rockets (65-17) sa Minnesota.

Sinamantala ni Willie Cauley-Stein, na may 22 points at 11 rebounds, at ng Kings ang pagod nang lineup ng Houston.

May 27-55 record ang Sacramento sa ilalim ni coach Dave Joerger.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?