38

Nov 21, 2019 @ 21:03
By

Kinapos kami sa Finals – Nonoy

Aminado ang Rookie of the Year ng UAAP Season 82 men’s basketball na si Mark Nonoy ng UST na kinapos sila kontra Ateneo Blue Eagles sa best-of-three titular showdown.

Pero pangako nito, babalik sila na mas eksperyensado.

“Masaya naman kami kasi nakaabot kami sa Finals. Malaking experience ito para sa amin. Magpi-prepare kami for next season, kailangan talaga namin maging solid as a team, sabi ni coach [Aldin Ayo] ito ‘yung start na bibitbitin namin for next season,”

“Dito kami kukuha ng lakas namin at magiging motivated kami sa bawat training naming,” saad pa nito.

Sa tingin rin ni Nonoy, ibinuhos naman lahat ng Growling Tigers ang kanilang makakaya.

“Goal namin talaga is championship pero siguro kinapos lang kami. Binigay naman namin lahat ng makakaya namin to compete sa Finals pero kinulang lang kami,” dagdag nito.

Para naman sa susunod na season, ibinahagi ni Nonoy na mas totodo at lalagare pa ang España-based squad.

“Yun nga sabi ni coach na hindi lang kami magsi-settle kung ano kami ngayon. Kailangan talaga namin na dagdagan pa. Sabi ni coach next year kaya naman namin kasi nag-Finals kami ngayon. Pero kami tratrabahuin talaga namin na hindi kami magiging kampante,” aniya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?