39

Jan 11, 2022 @ 19:40
By

Kinapitan ng COVID sa Pilipinas pumalo sa mahigit 3M

Lagpas tatlong milyong katao na sa Pilipinas ang tinamaan ng coronavirus disease.

Ayon sa Department of Health, tumuntong sa 3,026,473 ang kabuuang COVID-19 tally sa Pilipinas.

Lumobo naman sa 181,016 ang aktibong kaso ng COVID sa bansa matapos panibagong 28,007 katao ang bagong tinamaan ng sakit.

Sa 181,016 aktibong kaso, 5,521 ang asymptomatic; 170,873 ang mild; 1,464 ang severe at 295 ang nasa critical condition.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?