68

Nov 1, 2017 @ 12:06

Kinanselang flights ngayong Undas dahil sa sama ng panahon

Naudlot ang biyahe ng mga gustong mag-Undas sa probinsiya dahil sa masamang panahon.

Inihayag ngayon ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang kanselasyon ng ilang domestic flights ngayong Nobyembre 1 bunsod ng masungit na panahon.

Batay sa abiso, kanselado ang mga sumusunod na biyahe:

Cebu Pacific

5J 821/5J 822: Manila-Virac-Manila
5J 506/5J 507: Manila-Tuguegarao-Manila
5J 504/5J505: Manila-Tuguegarao-Manila

PAL Express

2P 2014/2P2015: Manila-Tuguegarao-Manila

Masama ang panahon dulot ng tropical depression Ramil. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?