142

Sep 14, 2020 @ 21:23
By

Kinalat na nangutang ng P100K kay Pacquiao: Lolit nag-sorry kay Heaven

Humingi ng paumanhin ang kilalang talent manager na si Lolit Solis matapos nitong i-post sa social media na nangutang umano si Heaven Peralejo ng P100,000 sa pamilya ng kanyang dating dyowa na si Jimuel Pacquiao.

Sa post ni Manay Lolit, pinaliwanag nito na hindi totoo ang kanyang nasabi tungkol kay Heaven matapos niyang makausap si Jinkee Pacquiao tungkol dito.

Aniya pa, pinasinungalingan din ng manager ni Heaven na si Ogie Diaz ang balita na nangutang ng pera ang kanyang alaga sa mga Pacquiao.

“Now salamat at manager pala ni Heaven si Ogie Diaz, ipinaliwanag na baka mali ang naging assumption ko, na kaya ni Heaven magkaruon ng 100K ng hindi kailangan ang tulong ng iba,” sey ni Lolit.

Ayon kay Lolit, nalaman niya lang ang naturang impormasyon matapos itong i-blind item sa isang showbiz site, at may nagsabi umano na tungkol ito kina Heaven at Jinkee.

Dahil dito’y humingi ng tawad si Lolit kay Heaven at sa nanay nito dahil sa maling impormasyon, at sinabing tama rin na hindi na dapat siya pumapatol sa mga blind item.

“Sa nagawa ko, SORRY, at ewan ko kung bakit malaking issue ang 100K na kung iisipin ay barya lang sa mga involved. So SORRY Heaven , at mommy, sana hindi maging HELL ang buhay ko dahil sa 100K na iyan,” ayon pa sa talent manager.

https://www.instagram.com/p/CFG4Xp4l7C6/?utm_source=ig_embed

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?