170
maine2
May 25, 2018 @ 22:06
By

Kinabog sina Nora, Vilma, Sharon, Maine halos 3 buwan nang nagbi-birthday party

Kaloka itong si Maine Mendoza, ha! Aba, March 3 pa ang ika-23rd birthday niya, pero hanggang ngayon, nagsi-celebrate pa rin siya.

Walang katapusang birthday party nga ang nangyayari kay Maine. Eh, halos magta-tatlong buwan na ang nakalipas sa birthday niya. Saan ka naman nakakita ng ganyan?

Aba, hindi lang birthday month na matatawag ‘yan, kundi halos birthday year na yata. Eh, bago pa ang birthday niya, nag-celebrate na siya, at sa mismong birthday niya, nag-party na rin siya.

And after that, pumasok na nga ang sunod-sunod na birthday party na bigay sa kanya ng mga kaibigan niya, mga fan niya, na ang iba ay galing pa sa abroad, at mga richy-richy talaga, ha!

“9th birthday party! Grabe. Thank You CAU!” sabi ni Maine sa IG story photo niya na katabi niya ang sangkatutak na cakes, ha!

Meaning, kahit sabihin nila na walang ganap sa career ni Maine ngayon, kundi Eat Bulaga lang, dahil wala nga siyang teleserye, walang pelikula. Pero, saan ka naman nakakita ng ganyan?

Walang katapusang birthday party, ha! At for sure, hindi ito ang last na birthday party na ibibigay sa kanya, dahil malamang nga na umabot pa ito ng ilang buwan.

Kinabog na niya sina Nora Aunor, Vilma Santos, Sharon Cuneta sa sangkatutak na birthday party, ha! Bongga!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?