59

Nov 11, 2021 @ 14:54

Kimpoy Feliciano rumesbak sa bashers ni Heaven

Ipinagtanggol ng vlogger na si Kimpoy Feliciano ang kaibigang si Heaven Peralejo sa mga basher nito.

Ito ay matapos makatanggap ng negatibong komento si Heaven sa isang Instagram post ni Kimpoy.

Sa naturang post, makikitang nagbonding si Kimpoy at Heaven kasama ang ilan nilang kaibigan sa Tinipak River sa Tanay, Rizal.

Bukod dito, hinaluan pa ng tsismis ng ilang netizen ang selfie nina Kimpoy at Heaven.

Kaya naman agad na rumesbak si Kimpoy sa mga negatibong komento sa kanyang post.

“Para sa mga rude sa comment section, magkaibigan kami ni Heaven,” ani Kimpoy.

“If you’re judging the person based on the things you only know from the internet, that’s on you. Sana kilalanin niyo muna yung tao on a personal level before kayo manghusga,” dugtong pa nito. (mjd)

https://www.instagram.com/p/CV_-JB_hnvm/?utm_source=ig_embed&ig_rid=194199cf-6243-4382-8ce4-7f1c41c0b780

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?