abante-tnt-vismin-kimora-lee
By

Kimora Lee tinapos ang pag-aaral

Sharing is caring!

Natupad ang dream ng former supermodel na si Kimora Lee na makatapos ng business degree. Kelan lang ay pinost ng supermodel-turned-fashion designer/business mogul ang kanyang graduation mula sa University of Hartford’s Barney School of Business.

Naka-toga at graduation cap ang 44-year-old supermodel at may medal pa sa kanyang leeg. Pinost niya ang photo na ito kasama ang kanyang anak na si Kenzo sa kanyang Instagram with the caption “Passing the torch”.

Patuloy na pinag-aaralan ni Kimora ang pagiging isang mahusay na businesswoman kaya kahit na isa rin siya full-time mom, naisisingit pa niya ang makapag-aral at magturo.

“I taught an entrepreneurship/ business class today as well as gave a lecture at University of Hartford, where I’m also a student,” sey pa niya.

Nagsimula sa modeling world si Kimora sa edad na 14 at naging exclusive model siya ng Chanel. Nag-debut siya sa 1989 haute couture show ni Karl Lagerfeld na head designer ng Chanel.

Hindi nagtagal ay naging in-demand model si Kimora at kinuha siya ng mga designers na Fendi, Valentino, Emanuel Ungaro at YSL.

Sa isang 1992 fashion show niya nakilala ang kanyang husband, ang music and fashion mogul na si Russell Simmons kung kanino meron siyang dalawang anak.

Sinimulan nila ang clothing empire na Phat Farm at Baby Phat. Nag-divorce sila in 2009 at nakarelasyon ni Kimora ang actor-model na si Djimon Hounsou at nagkaroon sila ng isang anak. Naghiwalay din sila noong 2012.

Muling kinasal si Kimora noong 2014 kay Tim Leissner at meron silang isang anak.

Nagbida si Kimora sa mga reality shows na Kimora On The Fab Lane at Just Fab.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?