By

Kim Woo Bin nagdurusa sa sakit

Sharing is caring!

Noong 2013 pa pala ang legal actions na ginawa ng entertainment agency ng model/actor na si Kim Woo Bin na Sidus HQ laban sa isang agency. Ang dahilan ng naturang legal actions, ang hindi pagtupad ng agency na mabayaran si Woo Bin.

Pumirma raw ng kontrata sa advertising agency si Woo Bin noong March 2013 pa, pero hindi ito binayaran ng kaukulang talent fee na nagkakahalaga ng 66 million won or $60,900 bilang isang modelo.

Marami ang lalong naawa sa model/actor sa isyung ito dahil alam ng lahat kung ano ang pinagdadaanan nito ngayon. Si Woo Bin ay kasalukuyang nagpapagamot dahil sa kanyang nasopharyngeal cancer na nalaman lang ngayong May. Sumailalim ito sa ilang gamutan kabilang na ang chemotherapy. So far, wala pang update ang agency ni Woo Bin kung nasa mas maayos na ba itong kalagayan.

Ang girlfriend naman niya na si Shi Min Ah ay patuloy lang na sumusuporta sa actor.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?