82

Jul 1, 2019 @ 20:59
By

Kim Soo-hyun nakatapos na ng military training

Na-discharge na sa army nitong July 1 si “My Love from the Star” actor Kim Soo-hyun.

Natapos na ng 31-anyos na aktor ang kanyang isang taon at walong buwan na military service.

Sinalubong ang paglabas niya sa army ng mga fan at media sa harapan ng Imjingak Peace Bell sa Paju, South Korea.

Nagpalista siya sa military noong October 23, 2017 matapos ang shooting ng pinagbidahan niyang “Real” movie.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?