75

Mar 28, 2020 @ 21:58
By

Kim sa mga umakusang peke ang ambush: Kailangan mamatay ako?

Sa emosyonal na video na pinost ng aktres na si Kim Chiu binalikan nito ang pag-ambush sa kanya kasabay ng pagsagot sa mga batikos ng basher na sinasabi umanong peke ang nasabing insidente.

Pinalagan ng aktres ang mga nagsasabing peke ang ambush o binayaran siya para umarteng biktima ng ‘stage ambush’.

“Paano kung tumuloy iyong bala, aanhin ko iyong binayad nila sa akin?” sabi ni Kim na naluluha pa.

“Gusto ko lang silang tanungin, kailangan ba talagang may matamaan o mamatay para sabihin ninyong totoo iyong nangyari?” sabi ng aktres, bagama’t hindi pinangalanan ang mga nam-bash sa kanya.

Sabi pa ni Kim, hindi umano niya makakayang ilagay sa panganib ang buhay ng mga tao na mahalaga sa kanya, tulad ng kasama niyang driver at personal assistant nang mangyari ang insidente, para lang sa publicity.

Pinaalam din ni Kim na lumapit na sa kanyang kampo ang taong dapat ay target ng ambush. Pero tumanggi na itong magpa-interview dahil sa takot.


Sa huli, umaasa ang aktres na ito na ang huling beses na babalik niya ang insidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?