42

Dec 13, 2020 @ 16:31
By

Kim sa ex-BF, bagong dyowa nito: Edi wow!

Tinanong si Kim Chiu kung anong sasabihin niya sa kanyang ex-boyfriend at sa bagong girlfriend nito kung sakali mang makasalubong niya ang dalawa.

“Edi kayo na!,” natatawang sagot ni Kim kay Vice Ganda.

Nakisali sa pang-aasar si Vhong Navarro, at tinanong uli kay Chiu kung ano’ng sasabihin ng huli kapag nakatagpo niya ang dalawa sa isang mall.

Tugon ni Chiu: “Kakalabitin ko, ganyan, ‘Edi, wow!'”

Hindi nila tinukoy kung sinong ex-BF ang pinatutungkulan ni Kim.

Sa ngayon, maugong ang tsismis na mag-dyowa ang ex ni Kim na si Gerald Anderson at ang “Between Maybes” co-star nitong si Julia Barretto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?