124

Jun 7, 2021 @ 17:47
By

Kim Rodriguez, nakipagtalo dahil sa parking

Nakaalitan ni Kapuso actress Kim Rodriguez ang kapitbahay niyang barangay kagawad nitong Linggo kaugnay ng ‘di pagkakaintindihan sa parking sa labas ng kanilang bahay.

Ayon sa kwento ng Rodriguez, mahirap ang parking sa kanilang lugar at hirap makapasok ang sasakyan ng kagawad na kinilalang si Ronald Ortiz dahil bahagyang nakaharang ang sasakyan ng aktres.

Ngunit dahil nakikisama siya ay inalis muna ni Rodriguez ang sasakyan niya para makadaan ang sasakyan ni Ortiz.

At ng muling ibinalik ng aktres ang sasakyan niya sa una nitong pwesto ay bigla na lamang daw nagalit ang kagawad.

“Nung inalis ko, nakapasok naman po siya ta’s pagka-alis niya, pinark ko po ulit. Sabi po ni kagawad ‘alisin mo yung sasakyan mo, alisin mo,’” pahayag niya.

Nakiusap pa raw ang aktres na payagan muna siyang mag-park sa naturang pwesto sapagkat pahirapan nga ang parking sa lugar.

Ngunit nagulat at natakot na si Rodriguez sa mga sumunod na nangyari.

“Bago dumating yung pulis at yung barangay, tumawag po siya ng mga grupo ng kalalakihan na naka-motor tapos po nag-iikot po sa harapan namin, naglalakad-lakad po, parang tinitingnan yung bahay namin,”

“Natatakot ako [kasi] dalawa lang kami ron,” dagdag pa niya. “Hindi ko alam yung gagawin ko kasi takot na takot talaga ako. Hindi ako makatulog kagabi.”

Ayon naman sa barangay chairman sa lugar, nagkasundo na ang dalawang kampo na hindi na doon magpa-park si Rodriguez.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?