446

May 3, 2021 @ 14:54

Kim Rodriguez hindi nagbuyangyang ng katawan sa hiking

Kinontra ni Kim Rodriguez ang mga report na umakyat siya ng bundok suot lamang ang two-piece bikini.

Sa Instagram story ng Kapuso actress, nilinaw nito na hindi kailangan mag-hike sa Treasure Mountain.

“Hindi po ako nag-hike ng naka-bikini. No-HIKE mountain ang Treasure Mountain, and they even have a swimming pool and waterfalls,” sey ni Kim.

“Please know the facts muna po. Thanks and hope everyone’s safe and sound,” sambit pa niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?