887
Kim proud sa tagumpay ni Xian
By

Kim proud sa tagumpay ni Xian

Nagsimula na ngang gumiling ang kamera ng bagong movie ni Xian Lim para sa BluArt Productions.

Ito ‘yung movie na ilalaban nila sa Cinemalaya Film Festival at talagang inihahabol ito ni Xian.

Ang kaibahan nga nito, hindi bida si Xian sa harap ng kamera kundi bida siya sa likod ng kamera bilang isang direktor. Yes, ito ‘yung isa sa pangarap ng Viva actor na natupad na ngayon.

Naalala namin nu’ng katsikahan namin siya sa contract-signing niya noon as Viva talent na ang pagiging direktor ang nasa plano niya. Hindi pa namin alam ang kabuuan ng istorya nito, pero ang pagkakaalam namin ay bida rito sina Inah Asistio at Christopher Roxas.

Tinatapos niya ito bago siya lumipad sa bansang Georgia para naman sa movie nila together ni Cristine Reyes sa Viva pa rin.

Kagagaling lang ni Xi sa Hong Kong at diretso na siya sa shooting ng movie niya for Cinemalaya.

Masarap daw sa feeling niya ‘yung tawagin siyang “Direk” pero aminado siya na medyo nahihiya pa rin siya.

Natutuwa rin siya na pumi-pick up ang movie nila ni Louise delos Reyes na Hanggang Kailan?

For sure, happy rin ang kanyang dyowang si Kim Chiu sa sunod-sunod na achievement ni Xi.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?