318
kim-domingo
May 28, 2018 @ 18:14
By

Kim natulog, kumain sa kalsada

Kahit na isa sa mga sikat na talents ng GMA-7 si Kim Domingo, hindi pa rin niya kinakalimutan ang mga panahon na naging isang extra siya sa showbiz. Naka-relate ang tinaguriang Pantasya ng Bayan sa isang Facebook post ng isang nagngangalang Efren Mark Cincio na isang extra sa isang TV show.

Heto ang pinost ni Efren: “Sa likod ng CAMERA ito kami mga TALENTS or Kilala bilang Extra Artist. Basta may mapahingahan kami wala ng maraming arte. Mga talents pag out door scenes? Ito ang Tunay na Buhay Namin. REACT KAPWA TALENTS! #Relate #Relate #Revealed.”

Dito nagbalik-tanaw si Kim noong mga panahong ume-extra noong high school siya. Pangarap na kasi niya noon ang maging artista, pero dumaan siya sa pagiging extra at naranasan niya ang lahat ng hirap.

“Hindi ko makakalimutan nung mga panahon na nagta-talent pa ako highschool days ko. Mga panahong nangangarap pa lamang akong maging Artista. Inet, pagod, puyat, gutom halo-halo na yung nararamdaman mo. Tas pag kakain ka kahit saan nalang basta may mapwestuhan ka. Ako nga na-experience ko sa kalsada naglagay lang kaming mga kapwa ko talent ng sapin para may maupuan kami para makakain kami ng kahit papano kumportable. Tapos after kumain mahaba-habang oras na naman aantayin mo kung kailan ka isasalang sa eksena. Yung hindi mo alam ano oras ka makakauwi. Antok na antok kana. Hahanap ka pwesto para umidlip man lang,” post ni Kim.

Nakatanggap daw si Kim ng bayad na P500 para sa pag-extra niya ng magdamag. Gagamitin daw niya ang pera na iyon para makabili siya ng damit kung sakaling kunin siya ulit na mag-extra. Pero mas madalas daw na binibigay niya sa kanyang magulang ang kinikita niya sa pag-e-extra.

“Masaya nako noon sa 500 pesos na nauuwi kong tf from 7am to 8am kinabukasan bilang passer by (yung dadaan ka lang sa eksena ) pero aabutin ka ng halos 24 oras sa taping tapos yung tf ko na 500 kung minsan bibili ko ng damit or shoes para may magamit ako sa next taping pag tinawagan ako ulit at madalas naman bigay sa magulang pangdagdag pambili ng mga pangangailangan namin noon ng pamilya ko. Madaming rason kung bat nagtatalent ang isang tao. Yung iba gusto nila ma-discover dahil pangarap nila mag artista yung iba gusto lang talaga kumita ng pera, at kung ano-ano pang rason. Pero ako noon dalawang dahilan. Dahil gusto ko ma-discover dahil pangarap kona talaga mag artista bata pa lamang ako , at sympre ang kumita ng pera para matulungan ang magulang at sarili.”

Malaking tulong kay Kim ang nabigyan siya ng break at natupad ang pangarap niyang maging isang artista. Ang payo niya sa mga tulad niyang umeekstra na huwag silang mawalan ng pag-asa at ipagpatuloy lang daw nila ang kanilang mga pangarap.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?