8

Kim Kardashian, rumampa mag-isa sa 2018 Met Gala

Sharing is caring!

Sa unang pagkakataon dumalo si Kim Kardashian suot ang seksing gold versace dress na wala sa tabi niya si Kanye West.

Nagmukhang likidong ginto si Kim sa suot nitong Versace dress na sinahugan niya ng double cross necklaces at make-up na katulad ng kay Cleopatra.

Pero sa kabila ng glamorosang itsura ni Kim ay kapansin-pansin na hindi nito kasama ang mister na si Kanye.

Sorpresa ito sa kanilang fans na nasanay na makita ang fashionable duo sa gala sa nakalipas na mga taon.

Na-spotlight si Kanye matapos ang patuloy nitong paghahayag ng suporta kay US President Donald Trump at nito lamang ay ang pagsasabi na isang “choice” ang slavery sa interview ng TMZ na humamig ng pagtuligsa mula sa kapwa niya musicians at dating fans.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?