170

By

Kim, Julia, Lovi at Solenn pasiklaban pa rin sa pagrampa

Sharing is caring!

Noong Sabado pa ang “Under The Stars” Bench 30th anniversary show pero hanggang ngayon ay may hangover pa ang mga artista sa ginawa nilang pagrampa.

Naka-post sa kani-kanilang mga Instagram wall ang mga photo ng ginawa nilang partisipasyon sa show. Kanya-kanyang pasiklaban ng kanilang mga itsura at lakas ng loob ang mga stars sa ginawa nila.

Kinabahan daw si Kim Chiu bago pa man siya lumabas sa entablado.

@chinitaprincess, “#benchunderthestars probably my 7th BENCH fashion show. (if I counted it correctly.) I got chills under my feet while walking!! Yet this is another one for the books experience! Thank you sir @benchtm for making me part of the family!!”

Pinoste ni Kim ang half body photo niya sa runway kung saan makikita ang kaseksihan ng aktres dahil sa abs at alsado niyang dibdib na animo’y bagong hangong monay mula sa oven. Ilan pang mga photos ang pinoste ni Kim bilang kasiyahan at pagiging proud niya sa ginawa niyang pagpapa-sexy.

“Beautiful experience” naman ang deskripsiyon ni Julia sa pagrampa niya na naka-white sports bra lang, pinaka-sexy appearance na niya sa paglabas niya nang live sa audience.

Pinoste ni Julia ang backstage photo niya habang inaayos ng stylist ang kanyang buhok.

@juliabarretto, “Last night under the stars. #BENCH30Years. That was a beautiful experience! So proud to be part of this family!”

Nakaliyad naman si Lovi sa photo niya suot ang yellow floral two piece bikini na ginamit niya sa show at sinabing ang saya ng naging karanasan niya.

@lovipoe, “Hey , that was fun! Yay, it’s done! #happydance #BenchUnderTheStars.”

Hindi naman sinolo ni Solenn Heussaff ang pagiging dyosa sa whole body shot niya. Pinuri rin niya sina Julia Barretto at Gabbi Garcia na nasa likod niya.

@solenn, “Photo by @jljavier, @_gabbigarcia and @juliabarretto looking amazing tonight #benchunderthestars #bench30years.”

Isa si Solenn sa pinalakpakan nang malakas nang gabing ‘yun at isa sa itinuturing na Reyna dahil siya lang ang nag-moment ng husto nang isakay siya sa metal ring at itinaas sa ere.

Inisnab si Solenn ng mga kaibigan niyang sina Isabelle Daza at Giorgina Wilson sa Bench show dahil mas pinili ng dalawang co-IT Girls niya na dumalo sa Philippine Tatler party noong Sabado.

Satisfied at masaya si Sanya Lopez sa make-over niya nang gabing iyon. Tatlong photos ang pinoste nito sa kanyang IG.

@sanyalopez, “I really loved how I looked last night..so fun to work with you @rjdelacruz and @deniseochoa. Thank you so much.”

Limang magkakaibang anggulo ang pinoste ni Markki Stroem. Ang singer-actor ang unang nagpasabog sa arena nang lumabas siyang naka-t-back na naglantad ng kanyang puwet. Ang sandata lang nito ang natakpan sa kanyang daring act.

@markkistroem, “Some of my favorite shots from last night!! Thank you to all the amazing photographers who took the shots! I love my @benchtmfamily”.

Matapos maghubo’t hubad, tiyak nang dadami pa ang acting projects ng aktor na mas kilala bilang singer-corporate host.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?