38

Kim Jong Un nanood ng S. Korean pop stars concert sa Pyongyang

Sharing is caring!

Pumalakpak si North Korean dictator Kim Jong Un kasama ang kanyang asawa matapos manood ng concert ng South Korean pop stars na bumisita sa Pyongyang.

Nakahamig naman ng atensiyon ng media sa South Korea kung ano ang magiging reaksiyon ng North Koreans sa Red Velvet.

Sorpresang binisita ni Kim ang performance noong Linggo sa East Pyongyang Grand Theater kasama ang asawa niyang si Ri Sol Ju, kapatid na si Kim Yo Jong at ilan pang senior North Korean officials.

Nakipagkamay pa si Kim at nagpakuha ng group photo sa South Korean performers.

Nakasuot si Kim ng itim na Mao-style suit, habang pumapalakpak sa ikalawang palapag ng VIP stand habang binati naman ni South Korean Culture Minister Do Jong-hwan ang mga nanood na North Koreans sa first floor.

“There had been interests in whether I would come and see Red Velvet. I had initially planned to attend a performance the day after tomorrow but I came here today after adjusting my schedule,” ani Kim.

“I thank you for this kind of gift to Pyongyang citizens.”

Unang pagkakataon itong dumalo ang North Korean leader sa show ng South Korean. Huling nagpadala naman ang South Korea ng pop singer sa North Korea noong 2005. (AP)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?