193

Apr 27, 2020 @ 11:26

Kim Jong Un buhay pa – South Korea official

Kinontra ng isang opisyal ng South Korea ang mga lumalabas na report na patay na umano ang North Korea supreme leader na si Kim Jong Un.

Ayon kay Moon Chung-in, ang national security special adviser ni South Korean president Moon Jae-in, buhay pa at maayos umano ang kalagayan ni Kim.

“Our government position is firm. Kim Jong Un is alive and well,” saad ni Chung-in sa panayam sa CNN.

Lahad ng opisyal, nananatili umano si Kim sa isang Wonsan, isang resort town, mula pa noong April 13.

Matatandaan na marami ang nabahala sa tunay na kalagayan ng North Korean dictator matapos na hindi ito masilayan sa selebrasyon ng kanyang lolo at founder ng North Korea na si Kim Il Sung noong April 15.

Sa news outlet naman na Daily NK, sinabi na inoperahan umano si Jong Un dahil umano sa problema nito sa cardiovascular dulot ng mataas na timbang, paninigarilyo at labis na pagtatrabaho.

Sa report naman ng CNN, isang source umano ang nagsabi na kritikal ang kondisyon ni Kim matapos sumalilalim sa surgery, ngunit nanatiling matigas ang South Korea sa pagsabing wala silang nakikitang tanda na patay na ang North Korea leader.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?