6,474

Jun 22, 2019 @ 17:54
By

Kim Dy, Marck Espejo hiwalay na?

Naging palaisipan para sa mga fan ang post ni Kim Dy na nagpapahiwatig na hiwalay na ito sa kanyang dyowa, na kilala ng madla bilang si five-time UAAP MVP Marck Espejo.

Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni Dy ang isang article na may titulong “We May Have Gone Our Separate Ways, But I Still Thank God For You.”

Maraming netizen ang napa-react dito, iisa ang nasa isip, hiwalay na nga ba ang dalawang volleyball superstars?

“kaya pla matagal ng dumating ng pinas c mark hndi man lang cla nag kita ni kkd . Wala ni isa sa mga ig story ni kkd c mark,” ayon kay Geneva Geysir Gromeo Gotgotao.

“Yung ang perfect ng relasyon nyo tapos matatapos lang BALIK NA KAYO PLEASE,” samo naman ni Jhemiie Valdez Isidro.

Sa Twitter sumagot si Kim, hindi kinumpirma ang balita ngunit hiling nito ang katahimikan.

“I love you all. Hoping for some peace & quiet now. Thank you po,” ayon sa F2 Logistics star.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?